April 24, 2024

MAGNOLIA, SINIRA ANG SIGNAL NG TNT TROPANG GIGA SA GAME 3

Nakaresbak ang Magnolia Pambansang Manok Hotshots sa TNT Tropang Giga sa PBA Philippine Cup best-of-seven finals. Bumuwelta ang una sa Game 3, 106-98 at di nabaon sa 0-3 sa series.


Nanguna si Paul Lee sa Hotshots sa pagbuslo ng 21 points.Nag-ambag naman si Ian Sangalang ng 20 markers, 7 boards at 5 assists. Tumikada naman si Mark Barroca ng 16 points, Calvin Abueva ng 14 at Jio Jalalon na may 11 points.


“We changed our defense,”
ani Magnolia coach Chito Victolero.


I think parang maganda iyong depensa namin ngayon compared to the last two games. Importante lang dito is we have the proper mindset.Sabi ko nga sa kanila, we’re here in the Finals because of our defense,” aniya.


Samantala, bumira naman sa TNT si rookie Mikey Williams ng 39 points. Nagtala rin ito ng record ng isang rookie sa pagbuslo ng 10 tres.