April 24, 2024

MAGNOLIA, RERESBAK SA GAME 2 KAHIT MAY INIINDA ANG 2 PLAYERS

Balak ng Magnolia Pambansang Manok Hotshots na makabawi sa finals ng PBA Philippine Cup. Nakauna na ang TNT Tropang Giga sa best-of-seven series sa 88-70 sa Game 1.


Ayon kay Hotshots coach Chito Victolero, mahirap mabaon sa 0-2. Kaya, dapat ay makabawi sila sa Game 2.

Si coach Chot, iba kasi tactics nyan. Veteran na ‘yan. Kaya mahirap kalaban. Yun ngang SMB, ang lakas, natalo pa. So, ang point dito ‘e adjustment lang,” aniya.


Medyo dehado kami talaga. Pero, no excuses kahit may iniinada si Ian. Pati si Paul (Lee) meron din. I hope na maka-adjust kami,” dagdag pa nito.


Kaugnay dito, ibibigay naman ng ‘Angas ng Tondo’ ang lahat sa laro. Ito ay kahit may injury sa balikat.


“Hindi ko kasi ma-control. Minsan may masakit na part kasi pag inaangat ko,” ani Lee.


” Laban lang,” dagdag nito.