April 24, 2024

MAGNOLIA HOTSHOTS AT GINEBRA, MAGHAHARAP SA ‘MANILA CLASICO’ SA JULY 25, STANDHARDINGER AT ABUEVA, INAABANGAN

Maghaharap ang Magnolia Hotshots at Brgy. Ginebra sa July 25 sa 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Center. Ito rin ang unang debut sa ‘Manila Clasico’ ng dalawang bagong salta sa team.

Ito’y sina Calvin Abueva ng Magnolia at Christian Standhardinger ng Ginebra. Hindi gaya ng dati, hindi na main event ang Manila Clasico.

Sila ang inaabangan sa nasabing laro. Pati na rin ang magkaibigang sina Scottie Thompson at Jio Jalalon.

Papagitnaan nito ang ilang matches sa ganap na 4:35 ng hapon. Maghaharap rin ang Northport at San Miguel. Gayundin ang NLEX at Terrafirma. Sa all-time record, hawak ng Magnolia ang tala laban sa Ginebra, 103-95.

Kabilang na rito ang 102-92 win sa nakaraang Clark bubble season.