May 1, 2024

Magkapatid na tulak arestado sa buy bust sa Navotas

HINDI inakala ng magkapatid na tulak ng illegal na droga na pulis ang kanilang napagbintahan ng shabu matapos silang maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Jordan Roque, 22, (pusher/listed) at Armando Roque III alyas “Jake”, 26, (pusher/listed), kapwa ng 168 S Roldan St., Brgy. Tangos South.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-10:45 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa A Dela Cruz, Brgy. San Roque matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta ng shabu ng mga suspek.

Nang tanggapin ang P300 marked money mula sa isang pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng isang sachet ng umanoy shabu ay agad lumapit ang back up na operatiba saka inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim na small heat-sealed transparent plastic sachets kabilang ang (subject of buy bust) na naglalaman ng abot 6 grams ng hinihinalang shabu na may Php 40,800.00 at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.