December 23, 2024

MAGINHAWA COMMUNITY PANTRY, TENGGA MUNA SA PAMAMAHAGI DAHIL SA ISYU NG RED TAGGING

Magandang araw mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan.Nakatutuwa na sa kabila ng paghihikahos ng ilan sa ating mga kababayan, may mga tao pa ring may ginintuang puso.

Na sa abot ng makakaya, ipinaaabot ang tulong sa mga kapos. Ang tinutukoy natin ay ang trending ngayon na Maginhawa Community.

Ito ay isang community pantry sa Quezon City na ang head ay si Ana Patricia Non. Kung saan, maaaring kumuha ng pagkain ang ating mga kababayan.

Walang ibang gagawin kundi pumila. Ang ipinamamahagi ng Maginhawa (MC) ay mula rin sa mga Good Samaritan nating mga kababayan.

Na nagdo-donate ng in-kind. Dahil nga sa nakaka-good-vibes ito, ginaya na rin ito sa ibang panig ng bansa.

Gayunman, matetenga muna ang pamamahagi ng ayuda ng MC. Ito ay dahil sa ilang red-tagging insident. Pati na rin sa ilang pantries na itinayo.

Iniuugnay kasi ng ilang ahensiya sa Communist Party of the Philippines (CPP). Gayundin sa New People Army (NPA). Hay, ano ba yan?

Isa pa, para na rin sa kaligtasan ng mga volunteers nito. Kung kaya, humingi ng saklolo si Non kay Mayor Joy Belmonte tungkol sa isyu ng red tagging.

Aniya, may tatlong pulis nahumihingi ng number niya at tinatanong kung anong organisasyon. Naku naman. Tumulong a nga, sinakal pa. Tsk!

Pinararatangan pa si Non dahil sa kilala siyang aktibista. Pero, sa legal na basehan at paraan. Hindi  sa pag-aarmas.

Kaya sana, malutas na ito at matigil na ang isyu dahil may ilang umaasa sa ginintuang layunin ng MC.

At sana, huwag na itong masamain ng ilan sa kinauukulan. Dahil nakatutulong sila sa ating mga kababayan. ‘Viva La Raza!