November 3, 2024

Mag-ingat sa pekeng abogado!

DUMARAMI na naman ang mga nahuhuling nagpapanggap na abogado sa Metro Manila kaya pinapayuhan natin ang ating mga kababayan na magberipika muna lalo na’t may pera na involve gayundin sa pagkuha ng mga dokumento.

Masusing pag-iingat ang kailangan, dahil ngayon talagang nagkalat ang mga peke at mapagsamantalang kawatan.

Kabilang na nga rito ang isang nagnangalang Joselito Alegre na nagpakilala bilang si Integrated Bar of the Philippines (IBP) Manila 3 Chapter Vice President Francisco James Brillantes ang naaresto sa Tondo, Maynila, habang isa ring nagnangangalang Cherry Barabad na nagkunwari bilang isang notary public gamit ang pangalan na Salvador Vister, Jr. ang natimbog naman sa Quezon City. Huli kayo balbon!

Mantakin ninyo hindi lang pala pera, mga produkto at kaibigan na mga peke ang nagkalat sa kasalukuyan, kundi maging mga pekeng propesyunal ay kumakalat na rin at nambibiktima ng ating mga kababayan.

Kaya hinihikayat ni IBP President Domingo Egon Cayosa ang publiko na huwag magdalawang isip na isumbong sa kanila o sa mga law enforcement agencies tulad ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) itong mga kolokoy na mga nagpapanggap na abogado nang sa gayun ay matigil na ang kanilang katarantaduhan.

Ito ‘yung mga taong dapat tinatamaan ng COVID-19 para maiwasan ng kanilang bibiktimahin. Mga lintek!

Huwag po kayong matakot dahil makatatanggap kayo ng suporta, tulong at incentives sa IBP sa sinumang makatutulong sa kanila na matunton, maaresto at malitis ang mga pekeng abogado.

Sinsisira ng mga pekeng abogadong ito ang pangalan ng IBP at ginagaya pati na rin ang legal profession, kinukompromiso rin aniya ng mga ito ang legitimacy ng legal process at mga dokumentong kanilang hinahawakan.

Kaya ingat tayo mga kabayan.

o0o

Speaking of pekeng abogado, sino kaya itong kilalang si Mr. Moneymaker sa aming bayan sa Cainta, Rizal na kung umusta ay daig pa ang isang lawyer?

Siya ‘yung tipong nakabasa lamang ng libro ng tungkol sa batas kaya kung umusta ay lehitimong abogado.

Ginagamit niya kasi ang kanyang sobrang katalinuhan sa batas para siraan ang mga politiko rito sa amin pagkatapos ay hihingi ng lingguhang payroll. Nakupo!

Abogago pala ang lintek!

Marami ng nayayamot sa pagmumukha nitong Mr. Moneymaker lalo na ‘pag nasasalubong na siya sa daan.

Payo ko lang sa iyo ingat ka, baka mabalitaan na lang namin na tinamaan ka ng COVID-19. Ikaw din walang burol ngayon, diretso sunog na agad. Pwe!

o0o

Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text o tumawag lamang sa CP#09460243433 o mag-email sa [email protected].