May 4, 2024

August 10, 2020: Alamin ang inyong kapalaran base sa iyong zodiac sign

LEO (Jul.23 – Aug.22) Huwag maniwala sa kutob o hinala dahil magkakamali ka. Paniwalaan ang makikitang ebidensiya dahil ito ang katotohanan. Huwag maniwala sa tsismis baka may nanininira lamang. Alamin ang puno’t dulo bago magbigay ng komento o gumawa ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 12, 21, 33, 39 at orange.

VIRGO (Aug.23 – Sept.23) May makabuluhang bagay na magaganap sa iyo ngayon. Malamang sa pagbabago ng iyong pananamit at ugali, magiging kapansin-pansin sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 2, 21, 32, 40 at cream.

 LIBRA (Sept.24 – Oct.23) Huwag pahatak sa problema. Mahalagang kumilos samantalang hinahanapan ng tamang solusyon ang suliranin. Ang mahalaga ay makagawa ka ng isang bagay na may pakinabang o makabuluhan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 22, 25, 38 at blue.

 SCORPIO (Oct.24 – Nov.22)  Maaaring sawa ka na sa maliit na teritoryong ginagalawan mula sa tahanan hanggang trabaho at pabalik. Maisasakatuparan ang binabalak kung seryosong tututukan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 31, 42 at brown.

 SAGITTARIUS (Nov.23 – Dec.21) Sa labis na pag-iisip ng kaunlaran kailangan ang “outlet’ para hindi gaanong maapektuhan ang kalusugan. Pahinga ang kailangan para manumbalik ang enerhiya ng sigla. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 41 at green.

 CAPRICORN (Dec.22 – Jan.19) Maganda ang iyong araw. Walang magiging problema sa trabaho at sa tahanan. Walang magiging hadlang sa anumang binabalak at gagawin. Magaan ang pakiramdam at maaliwalas ang bawat sulok ng kapaligiran. Lucky numbers at color for the day ay 17, 18, 39, 41 at ocean blue.

 AQUARIUS (Jan.20 – Feb.18) Dahil magulo ang isip at pakiwari ay nasa nagkrus na daang hindi mo alam ang direksyon na pupuntahan. Makakabuting kumunsulta sa higit na nakakaalam o sa psychic para magkaroon ng tamang gabay. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 24, 41 at violet.

 PISCES (Feb.19 – Mar.20) Sa halip na magsisi o manghinayang, magpasalamat na hindi natuloy ang plano o binabalak dahil magreresulta ng hindi maganda. Ibaling sa makabuluhang gawain ang napagplanuhan dahil dito tiyak ang tagumpay. Palipasin ang araw at huwag ituloy kung may lalakarin. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 19, 24 at yellow.

 ARIES (Mar.21 – Apr.19) Kung na­ging magulo ang isip, ang magandang gawin ay umupo muna at magplano kung ano ang unang dapat unahin. Magplano bago magsimula ng kahit anong bagay. Huwag magpadalus-dalos dahil palaging nakasunod ang anino ng pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 27, 29 at white.

 TAURUS (Apr.20 – May 20) uong tatag mong mahaharap kung papaano haharapin ang mga desisyon. Subalit ang masusing pag-aral sa bawat kilos ay huwag kalimutan. Ang kalimitan sa biglaang desisyon ay pinagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 21, 34, 38 at red.

GEMINI (May 21 – Jun.21) Madaling mahulog ang iyong damdamin sa usaping pag-ibig. Mabilis ka rin makakatayo kapag nadapa sa gitna ng nabigong relasyon. Kung liligawan o manliligaw ngayon, tiyakin na handa kang mapatali dahil hindi ka na makakawala dahil siya ang iyong twinflame o soulmate. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 31, 36 at fuchsia.

CANCER (Jun.22 – Jul.22)  Masayahin ka sa pakikihalubilo sa labas subalit ngayon iiwasan ito nang malayo sa hindi magandang situwasyon. Mag-ingat, magmasid at maging alerto sa paligid. Huwag magtiwala sa nakasanayang gawin sa labas ng tahanan. Hangga’t maaari, tumigil sa loob ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 17, 36, 42 at aquamarine.