May 18, 2024

MAG-ASAWANG CALL CENTER AGENT PATAY SA PAMAMARIL SA TAGUIG CITY

Patay ang mag asawang call center agent matapos pagbabarilin ng nag-iisang suspek sakay ng motorsiklo sa Barangay Maharlika, Taguig City. 

Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Marcelo,  54-anyos, at asawa nitong si Zener Tomas, 41-anyos, at  residente ng Block 142 Lot 3 San diego Street, Brgy Central Bicutan Taguig  City.

Sa inisyal report ng Taguig City police, humingi ng tulong sa Police Substation si Esmael Sarip, barangay secretary sa Barangay Maharlika, kaugnay sa nangyaring pamamaril.

Nagpapatuloy pa rin ang isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad sa lugar upang alamin ang posebling motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan ng salarin. (Balita ni RUDY MABANAG)