ARESTADO ng Manila Police District-Station 6 ang isang mag-ama na nahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Ana, Manila kahapon.
Kinilala ni PLTC. Christoper Luyun, station commander ng MPD-Police Station 6, ang mga suspek na sina Ramon Padilla, Sr., 39, at kanyang anak na si Ramon Padilla, Jr., 19, kapwa nakatira sa Arellano St., sa nasabing lugar.
Dakong alas-10:35 ng gabi nang mahuli ang dalawang suspek sa ikinasang drug bust sa Pasig Line St., Brgy. 777 Zone 85, Sta. Ana, Manila.
Narekober sa kanila ang P500 buy-bust money at limang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P42,000.
Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Section 5 at 11 (pagbebenta at pag-iingat ng ipinagbabawal na droga) sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office.
More Stories
PH KABILANG SA MAY MATAAS NA NEGLECTED TROPICAL DISEASES
5 CONSTRUCTION WORKERS NAKURYENTE 3 PATAY
Higit P.4M shabu, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela