
Nagtuwang sina Luka Doncic at Jalen Brunson sa panalo ng Dallas Mavericks sa Game 3 ng West semifinals. Sinipa ng Dallas ang Phoenix, 103-94 upang itarak ang 2-1 kartada sa serye. Kumana si Brunson ng 28 points, 5 assists at 4 boards.
Si Doncic naman ay bumira ng double-double sa laro. Nagtala ang Slovenian ‘baby face’ ng 26 points, 13 boards at 9 assists. Nag-ambag naman si Reggie Bullock ng 15 points, 4 boards at 3 steals.
Sa panig naman ng Suns, lumagare si Jae Crowder ng 19 points, 7 boards at 5 assists. Habang sai Devin Booker ay nagpalawal ng 18 points, 6 assists at 2 rebounds.
Tumipa naman ng 16 points at 11 boards production si DeAndre Ayton.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT