
BIGO si Luis Manzano na makuha ang 12 noon slot ng GMA 7, ang iniwang oras ng ‘Tahanang Pinakamasaya.’ Ang feeling daw ni Luis, ay ka-level na ng show nila ang show nina Vice Ganda na ‘It’s Showtime’ at ng ‘TVJ – Eat Bulaga.’
“Paano iyan nganga ang kampo ni Luis Manzano? Dahil hindi naman sila miniting ng ABS-CBN at ng GMA 7 management, para sila ang umakupa sa nasabing time slot.
“Bakit ang ‘It’s Showtime’ ang ipinalit ng GMA 7? Grabe daw taas ng lipad ng kampo ni Luis, kaya ang naging ending ligwak ang show nila.
“Feeling nila kasi kaya nilang talunin ang show ni Vice at ng TVJ sa ratings, hindi nga nila natalo ang ‘Tahanang Pinakamasaya’ sa ratings kaya ligwak ang show nilang ‘It’s Your Lucky Day.’ Wala ring nagawa ang Momshie niya na special guest pa mandin nila,” Mataray na pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
LIBU-LIBONG LAS PIÑEROS, NAGTIPON SA MITING DE AVANCE NG TEAM TROPANG VILLAR!
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’