April 28, 2024

Julia Barretto at Joshua Garcia nagkaayos na

SA birthday celebration pala ni Mr. M., o Mr. Johnny Manahan ay nagkaayos na sina Julia Barretto at Johsua Garcia.

Kaya maging ang mga fans ng dalawa ay masayang-masaya sa muli nilang pagkakaayos.

“Mas maganda na iyong nagkaayos na sila, tutal naman mayroon na silang mga mahal sa buhay. Maganda iyong mananatili silang magkaibigan, dahil isa lang naman ang mundo nilang ginagalawan.

“Sign na rin iyan na pwede na silang muling mag-sama sa isang pelikula, dahil hanggang ngayon naman ay may kilig pa rin naman ang kanilang loveteam sa mga tao,” salaysay pa ni Miss. Bubuwit na aking source.