December 21, 2024

LRT FARE HIKE APRUBADO

Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang resoluyon mula sa Light Rail Transit Auhority (LRTA), na nagtataas sa boarding fare nito sa P2.29 at distance fare na 21 cents.

Bagama’t ayon sa Inquirer.net, sinabi ng LTFRB na ang pag-apruba nito ng resolusyon ay hindi nangangahulugan na ang fare hike ay tuluyan nang itinakda para sa implementasyon.

Habang isinusulat ang balitang ito, hinihintay pa ang pag-apruba sa resolusyon ng ilang board members, kabilang ang Department of Transportation (DOTr), Department of Finance, Department of Budget and Management, National Economic and Development Auhority, Department of Public Works and Highways.

Sakaling maaprubahan, ang boarding fare ay magiging P13.29, habang ang distance fare ay magdagdag ng P1.21 kada kilometro sa LRT-1 at LRT-2.

Ang kasalukuyang boarding fare at distance – P11, at P1 – ang current rates sa parehong train systems simula 2015.

Sa ngayon, tanging LTFRB, sa pamamagitan ni chief Teofilo Guadiz III at acting LRTA admistrator Hernando Cabrera, at mga board member na sina Dimapuno Datu at Patrick Villanueva, ang lumagda sa proposal.

Matatandaan na tiniyak ng DOTr, noong Marso 2022, sa publiko na hindi nito pagbibigyan ang hirit na fare hike ng private operator ng railway sa gitna ng pagtaas ng consumer prices.