April 28, 2024

Los Angeles Lakers, itinala ang 2-0 lead sa finals series sa paglunod sa Miami Heat sa Game 2, 124-114

Muling dinomina ng Los Angeles Lakers ang Miami Heat sa Game 2 ng NBA finals. Nilunod ng Lakers ang Heat sa iskor na 124-114.

Kaya naman, naitala ng Los Angeles ang 2-0 lead sa best-of-seven series. Ito rin ang unang pagkakataon na naka abanse ng 2-0 lead si LeBron James sa kanyang 10th finals appearance.

Nanguna sa panalo ng Lakers si James na nagsalpak ng 33 points, 8 boards at 9 assists. Nag-ambag naman si Anthony Davis ng 32 points at 14 boards.

Nakipagsabayan ang Heat sa umpisa ng laro. Pero, umalagwa ang Lakers at lumamang ng 16 points sa first half.

Pinilit humabol ng Heat gamit ang quick offense at zone defense. Ngunit, may sagot lagi ang Lakers sa opensa at depensa.

Lalo na ang ginawang 15 out of 20 shooting ni Davis sa laro.

He’s a big-time player,” ani James sa performance ni Davis.

He understands the position we’re in.”

Sa panig naman ng Miami, gumawa ng 25 points, 13 assists at 8 boards si Jimmy Butler. Umasiste naman si Kelly Olynyk ng 22 points at 9 boards.

Ang Game 3 ay idaraos sa Linggo (7:00 PM ET) araw ng Lunes (PH time, 7:30 AM).