April 27, 2024

LOS ANGELES LAKERS, INTERESADO KINA PAUL AT WESTBROOK

Interesado ang Los Angeles Lakers sa dalawang NBA superstars na point guard ang posisyon. Kung kaya, balak nilang itong lambatin. Sa gayun ay mapalakas ang kanilang line-up sa next season.


Nasa radar ng Los Angeles Lakers sina Chris Paul ng Phoenix Suns. Gayundin si Russell Westbrook ng Washington Wizards.

May posibilidad na mapunta sa LA si Paul dahil kaibigan niya si LeBron James. Isa pa, nakawala kay Paul ang pagkakataong makapagchampion. Si Westbrook naman ay pwede rin ikamada sa line-up.

Gayunman, may mababaklas na players upang makuha ang dalawa. Depende kung sa trade o end of contract sa kanilang teams.

Walang matibay na point guard ang Lakers. Kaya kailangan ang reinforcement nina Paul at Westbrook.

Ayon sa mga analyst, kung gustong magkampeon ng dalawa, kailangan nilang pumunta sa malakas na team. At sa susunod na season, malamang na babawi si Lebron at ang Lakers.