Naghatid ng kakaibang tamis at panandaliang relief ang tradisyunal na kakaning Pinoy sa gitna ng mainit na pampolitikang klima sa Senado nitong Martes, matapos magbahagi ng “light moment” ang mga mambabatas sa naganap na plenary session.
Sa gitna ng girian ng magkakaibang partido, ibinunyag ni Sen. Pia Cayetano na buwan-buwan siyang pinapadalhan ng maja blanca at suman ng kanyang 2004 batchmate na si Lapid.
“Gusto ko lang magpasalamat kay Sen. Lito Lapid na kahit na magkaiba na tayo ng partido… Majority, minority, buwan-buwan nagpapadala pa rin siya sa akin ng maja blanca at suman,” sey ni Pia habang nakangiti.
Sinagot naman ito ni Lapid ng, “Gusto ko po kasing malaman mo na mahal kita.”
BASAHIN: BATO, PINAPAHUBARAN NG ARMAS NG PNP
Ang tila “sweet gesture” na ito ay umani ng tawanan mula sa mga dumalo sa session, partikular nang sumingit sa usapan ang kapatid ni Pia na si Senate President Alan Peter Cayetano.
Pabirong kinuwestiyon ng Senate President ang uri ng pagkaing ipinapadala sa kanya ng aktor-pulitiko kumpara sa ibinibigay sa kanyang kapatid.
“I am trying to figure out bakit maja blanca ang binibigay sa kanya samantalang sinabi ko na kay Kuya Lito Lapid na ako’y umiinom na ng maintenance medicine para sa cholesterol pero sisig pa rin ang dinadala niya para sa akin. So iniisip ko kung mahal din niya ako o si Sen. Pia lang,” ani SP Cayetano.
Sinundan pa ito ng biro ni Majority Leader Joel Villanueva na nagsabing, “Mr. President, nilalapit ka daw niya sa Diyos,”
