May 18, 2024

LINEMAN PATAY MATAPOS MAKURYENTE

Todas ang isang 21-anyos na lineman matapos makuryente habang ginagampanan niya ang kanyang tungkulin sa Malabon City.

Ayon kay Malabon Police Deputy chief P/Lt. Col. Rhoderick Juan, ang pagkamatay ni John Vincent Tan, lineman ng Rayvill Electric Construction Corporation ay iniulat sa pulisya nitong Lunes ni Joy Castro, 46, assistant branch manager ng biggest chain ng drug stores bagamat nangyari ang insidente noong Sabado, September 4, 2021 sa kahabaan ng Industrial St., Victoneta Avenue, Brgy. Potrero.

Sa nakarating na ulat sa opisina ni P/Col Albert Barot, hepe ng Malabon police, habang ginagampanan ng biktima ang kanyang tungkulin dakong alas-5:20 ng hapon sa naturang lugar nang aksidente itong makuryente.

Kaagad isinugod ni Alvin Arellano, foreman ng construction corporation ang biktima sa Our Lady of Fatima Medical Center subalit, idineklara itong dead on arrival.