May 12, 2024

LIBRENG CHECK-UP, GAMOT PARA SA MGA TAGA-CALOOCAN HANDOG NI ERICE

MAS pinaigting ni Congressman Egay Erice ang kanyang programang tumutugon sa pagkalinga sa mga residente ng Caloocan City.

Sa Facebook post ng naturang kongresista, nagpapasalamat siya sa 400 households na matignan ng mga doktor, mabigyan ng  gamot at kung kinakailangan ay maipadala sa ospital sa ilalim ng “Hatid Tulong Program: Egay Erice Medi-Bus.

Batid ni Erice na mahirap para sa ilan nating mga kababayan ang tumungo sa botika para sa kanilang gamot at magpa-check up sa mga doktor sa harap ng banta ng COVID-19 pandemic.



Sa kalagayan ng ating bansa ngayon, ay hindi na dapat pang personal na tumungo sa mga botika ang mga taga-Caloocan, kaya naisipan ni Erice na maglaan na lang ng programa para sa mga residente ng nasabing siyudad.