May 19, 2024

LETRAN KNIGHTS, TATAPUSIN ANG KAMPANYA NA WALANG TALO SA NCAA SEASON 97

Target ng Letran Knights na manatiling walang dungis ang kanilang record. Kaya naman, itatarak na nila ang final blow sa NCAA Season 97 seniors basketball finals. Layun din ng Letran na tapusin ang campaign ng walang talo sa torneo.

Una itong nagawa ng San Beda Red Lions noong 2010. Tinalo ng Knight ang Mapua Cardinals sa Game 1 ng finals, 68-63. Gayunman, desidido ang Mapua na palawigin pa ang laro. Maghaharap ang dalawang teams bukas sa ganap na alas 3:00 ng hapon sa Fil Oil Flying V Centre sa San Juan.

Hindi pa nagwagi ng back-to back title ang Letran sapol noong 1988 at 1999. Kumpiyansa naman si coach Bonnie Tan na mag-aambag ang main arsenal sa Game 2.

Ito ay sa katauhan ni Rhenz Abando, na siya ring nakahilera sa MVP at Rookie of the Year. Gayunman, palalaruin lamang si Abando ng limited minutes dahil sa iniindang injury.