May 19, 2024

LESLIE GUTIERREZ YAMBAO PORMAL NANG NANUMPA BILANG KONSEHAL NG 1ST DISTRICT NG MALABON

PORMAL nang nanumpa ngayong araw bilang konsehal ng unang Distrito ng Malabon City si Leslie Gutierrez Yambao sa harap ni Hon. Rhoda Magdalene Mapile-Osinada.

“Opisyal na po tayong nanumpa ngayong araw para sa ikalawa nating termino bilang Konsehal ng unang distrito sa ating lungsod ng Malabon,” ayon kay Yambao.

“At muli, ako po ay taos pusong nagpapasalamat para sa lahat ng mga kaibigan, kakilala, mga kamag anak, sa aking pamilya at lalong lalo na sa ating mga kababayan na lubos na nag tiwala muli sa paghahatid natin ng tunay at tapat na pag seserbisyo,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan din Yambao si Maiple-Osinada, na siyang Presiding Judge at kanyang mga staff sa paglalaan nito ng oras upang makapanumpa ang nasabing konsehal.

Ito na ang pangalawang termino ni Yambao bilang konsehal ng 1st District ng Malabon.