May 19, 2024

‘LEGAL WIVES’ AT ‘FPJ’S ANG PROBINSYANO’, PUKPUKAN SA RATINGS

Inilipat na sa bagong time slot ang palabas na ‘Legal Wives’ ng Kapuso Network. Ito ay dahil sa mataas na ratings na nakukuha nito. Gayunman, bakit ipalalabas din ito sa dalawa pang channels ng GMA.


Ito ay sa GTV at Heart of Asia. Move ba ito para ipitin ang lumalakas na rating ng “FPJ’s Ang Probinsiyano”? Sa ika-6 na taon kasi nito, may bagong episodes ang palabas. Kung saan, nakapasok na sina Julia Montes, John Estrada at Rosana Roces sa action series.

Kaabang-abang nga naman talaga ngayon ang ‘Ang Probinsyano” dahil gumaganda na uli ito. Kaya, pukpukan sa ratings ang magaganap. Mapapanood ang Probinsiyano sa TV5 tuwing alas 8:00 ng gabi, katapat ng Legal Wives.