May 3, 2024

LeBron James, ibinibenta ang colonial style mansion sa Brentwood, California

Ibinibenta ni Los Angeles Lakers superstar LeBron James ang kanyang mansion sa Brentwood, California. Ito’y nagkakahalaga ng $20.5 milyon.

Ang colonial-style property ay binayaran ni James sa halagang $20.9 million noong 2015 ayon sa TMZ. Hindi na nakatira rito si James sapol nang bumili siya ng Beverly Hills mansion noong 2020 sa halagang $36 million.

Mayroon itong six bedrooms at eight bathrooms na lagpas sa 9,350 square feet. Ginawa ang mansion noong 2011 at dinisenyo ng sikat na architect na si Ken Ungar ayon sa Variety.

Ilan pa sa areas na makikita sa mansion ay ang family room, kitchen with breakfast nook. Gayundin ang massive family room adjacent sa likod ng bahay.

Kung saan, makikita rito ang veranda na may swimming pool, cabana at deck. Matatagpuan ito sa Rockingham Avenue.

Iniugnay ito sa kaso ni O.J Simpson. Pader lamang ang pagitan ng bahay nito sa mansion. Kung saan, pinatay noong June 1994 sina Ron Goldman at Nicole Brown.