May 1, 2024

LeBron James, bumida sa paglunod ng Lakers sa Timberwolves, 112-104

Bumida si LeBron James sa paglunod ng Los Angeles Lakers sa Minnesota Timberwolves, 112-104.Kumamada si James ng 30 points, 13 boards at 7 assists.

Nanguna naman si Edwards sa Timberwolves sa pagbuslo ng 28 points.Sa iba pang laro sa NBA, nilambat ng Brooklyn Nets ang Phoenix Suns, 128-124.

Gumawa si James Harden ng 38 points at 11 assists sa laban. Kumana naman si Chris Paul ng 29 points at 7 assists para sa Suns.

Pinalo naman ng Boston Celtics ang Denver Nuggets, 112-99. Nagtala si Jaylen Brown ng 27 points para sa Celtics.

Nasayang naman ang ginawang 43 points ni Nikolai Jokic para sa Nuggets.

Narito ang kabuuang resulta ng NBA games ngayong araw, February 17, 2021. Dinagit ng New Orleans Pelicans ang Memphis, 144-113.

Nilapa naman ng Toronto Raptors ang Milwaukee Bucks 124-113. Pinisak naman ng Portland TrailBlazers ang Oklahoma City Thunder, 115-104.