Dinalaw ni Lebron James ng Los Angeles Lakers ang mga estudyante sa kanyang itinayong eskuwelahan sa Ohio. Surprise visit ang ginawa nito sa I Promise School sa Akron.
Minabuti aniya ng 4-time NBA champion na bisitahin sila bago ang magtapos ang klase.
“Appreciate y’all letting me crash your last day of school! Love you all and have a fun and safe Summer. Don’t forget what we talked about,” post ni James sa Instragram.
May mga upload videos din na makikitang niyayakap ng player ang mga estudyante. Pati na rin ang pagpapakuha ng litrato sa mga ito at sa staff.
“Sometimes, there just aren’t words when your hometown hero@kingjames,” post ng iskul.
Galak na galak naman ang mga ito sa ginawa ni James. Katunayan, nire-tweet ng mga ito ang kanyang pagbisita.
Itinayo ng cage ang I Promise School noong 2018. Layun ng paaralan tumutok sa pagsagip sa mga kabataan naliligaw ng landas sa kanyang hometown. Ang mga kabataang nakakumpleto ng school program ay magkakaroon ng free tuition sa University of Akron.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2