May 28, 2024

JEFF CHAN, PUMIRMA NG ONE YEAR CONTRACT SA BRGY GINEBRA

Mananatili si Jeff Chan sa roster ng Barangay Ginebra matapos pumirma ng bagong kontrata. Ayon sa veteran gunner, one year contract ang kanyang nilagdaan. Kaugnay ditto, masaya ang tinawag na ‘Forgotten Man’ sa pagbibigay ng tsansa sa kanya ng Gin kings.

Sa paglagda na ito ni Chan sa Ginebra, magsusuot pa rin siya ng jersey ng ‘never say die team’. Kinilala ni coach Tim Cone ang inambag ni Chan sa nakaraang PBA Governors’ Cup. Kung saan, kumislap ang laro nito sa mahalagang sandali. Lalo na’t unmanned ang team dahil sa injured ang mga key players.

Kabilang na rito sina Stanley Pringle, Japeth Aguilar, Aljon Mariano at Joe Devance.

 “Jeff is a forgotten man. It’s funny. He was like the forgotten man, holding on, just looking to play here and there. He just steps up when we need him. He stepped up and he just played huge,” ani Cone.

Si Chan na binasagan ding ‘Negros Sniper’ ay naglaro ng 29 games sa 46th PBA season. Mayroon siyang average na 4.8 points, 1.5 boards/14.8 minutes per game.