Nangunguna sina LeBron James at Kevin Durant sa pagpalo ng NBA All-Star Game fan voting returns. Kaya naman, kapwa bida sa front court ang dalawa kani-kanilang conference. Nakalikom si James ng kabuuang 2,018,725 votes sa latest voting. Habang si Durant ay nakakuha sa ngayon ng 2,360, 435 votes.
Nangunguna naman sa guards sina Stephen Curry sa West na may 2,584, 623 votes. Habang leading naman sa East si DeMar DeRozan na may 1,487, 598 votes.
Pasok din sa Top 5 sa West Frontcourt sina Nikola Jokic, Paul George, Andrew Wiggins at Draymond Green. Habang bumabandera naman sa East sina Giannis Antetokounmpo, Joel Embiid, Jayson Taytum at Jimmy Butler.
Sa guards naman, pasok sa Top 5 sina Luka Doncic, Jah Morant, Klay Thompson at Devin Booker sa West. Bumida naman sa East sina James Harden, Trae Young, Zach LaVine at LaMelo Ball.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!