April 30, 2024

LeBron, bumida sa pagpapasabog ng Lakers sa Houston Rockets

Muling pinasabog ng Los Angeles Lakers ang Houston Rockets, 112-102 sa Game 3 ng Western Conference semifinals.

Inakay ni LeBron James sa panalo ang Lakers sa pagbuslo ng 36 points 7 boards at 5 assists. Dahil sa panalo, panibagong milestone ang naitala ni James sa pagtarak ng 162 post-season win.

AP Photo

Nalampasan rin nito ang 161 post-season points ni Derek Fisher. Naging dikitan ang laro, kung saan ay nagkaroon ng 16 lead changes at 15 beses nagtabla.

Gayunman, nakaungos ang Lakers sa huling quarter at iniwanan na ang Rockets. Nakontrol nila ang lamang gaya ng ginawa sa Game 2.

Kumamada naman si Anthony Davis ng 26 points, 15 boards at 6 assists.Nag-ambag naman si Rajon Rondo ng 21 points, 8 assists at 1 steal.

Nagtala naman ng 33 points, 9 boards ay 9 assists para sa Rockets si James Harden. Umasiste naman si Russell Westbrook ng 30 points, 8 boards at 6 assists.

Narito ang stats ng Lakers-Rockets sa Game 3

LAL:LeBron James: 36 Pts. 7 Rebs. 5 Asts. 1 Stls. 4 Blks. Anthony Davis: 26 Pts. 15 Rebs. 6 Asts. 1 Stls. Rajon Rondo: 21 Pts. 2 Rebs. 8 Asts. 1 Stls. Kyle Kuzma: 14 Pts. 3 Rebs. 1 Stls. 1 Blks.

HOU:James Harden: 33 Pts. 9 Rebs. 9 Asts. Russell Westbrook: 30 Pts. 8 Rebs. 6 Asts. 2 Stls. Jeff Green: 16 Pts. 2 Rebs. 1 Asts. 1 Stls. Robert Covington: 10 Pts. 5 Rebs. 3 Asts. 4 Stls.