
BAGSAK sa kulungan ang isang lasing na lalaki matapos nakawin ang Japanese bike ng isang technician sa Malabon City, Sabado ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Reynaldo Soriano, 32, jobless ng Camia St. Brgy. Maysilo.
Sa imbestigasyon nina PSSg Jose Romeo Germinal at PSSg Ernie Baroy, dakong alas-3:20 ng madaling araw, nang sapilitang sirain ng suspek ang kadena na nakakandado sa Japanese bike sa bahay ng biktimang si Alvino De Castro, 57, air conditioner technician, sa 23 F.N Vicencio St. Brgy. Niugan.
Gayunman, walang kamalay-malay ang suspek na nakita siya ng biktima na agad humingi ng tulong sa mga bystander at mga nagpapatrolyang barangay tanod sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya at nabawi ang bisikleta ni De Castro.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC