May 17, 2024

BIRUAN NI ALEX GONZAGA, AT LUIS MANZANO NORMAL LANG

MATALIK na magkaibigan sina Alex Gonzaga at Luis Manzano, kaya kung hindi kayo followers ng dalawa ay talagang ma-miss interpret mo ang mga biruan nila at talagang iba-bash mo silang dalawa. Pero ang kanilang mga followers, tinatawanan na lang nila ang kulitan ng dalawa.

“Sanay na kaming dalawa ni Luis Manzano, ang mapikon sa kulitan namin talo. Kami ni Luis, hindi kami mga pusong mamon. Dumarating iyong punto na nasasaktan kami sa aming mga biruan, ang maganda sa amin ay marunong kaming humingi nang tawad at magpatawad sa isa’t-isa. Tapos wala lang, balik sa normal.

“Iyang post ko, biruan lang iyan at totoong sinabi ko naman na sana kung babalik, ‘di ka na kasama. Gumanti naman siya nang ‘Mag-apply ka sa ABS-CBN mo.’

Wala lang sa amin iyon ni Luis, doon sa nag-bash sa akin na masama raw iyong ginawa ko dinedma ko na lang siya. Basta kami ni Luis, iyong friendship namin never iyan na masira dahil iniingatan naman nanin ito.”