December 27, 2024

LANI CAYETANO NAIPROKLAMA  BILANG BAGONG TAGUIG MAYOR

Naiproklama na ng city board of canvasser bilang nanalong alkalde ng lungsod si LANI CAYETANO bilang frontrunner ng Eleksyon 2022 mayoral race.

Siya ay nakakuha ng 272,876 votes.

Ang lamang ni CAYETANO sa kalaban na si Arnel Cerafica ay nasa higit 185,000 na boto na nakakuha ng 87,266.

Nagwagi rin ang ka-partido ni CAYETANO na si Arvin Alit na tumakbong bise alkalde na nakakuha ng 232,034 votes

Habang ang kalaban nito na si Janelle Cerafica ay nakakuha ng 105,157 na boto.

Sa pagka kongresista panalo naman si Ading Cruz para sa Taguig City-Pateros Lone District.

Habang si Pammy Zamora ang nanalo para sa Taguig City Lone District. 

Ang lungsod ng Taguig ngayon 2022 ay mayroon 426,901 na rehistradong botante, habang 353,125 ang aktwal na bumoto.


Matapos ang proklamasyon ay nagsagawa sila ng maikling programa sa city hall ground upang magpasalamat sa lahat nang tumulong sa kanilang pangangampanya upang makamit ang panalo.