May 7, 2024

CALIXTO-RUBIANO MULING NAHALAL BILANG PASAY MAYOR

Ipinokralama na ng City Board of Canvassers si re-elected Mayor Emi Calixto Rubiano bilang Alkalde sa lungsod ng Pasay.

Isinagawa ang proklamasyon sa mga nanalo sa local possision dito sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Si Mayor Emi Calixto Rubiano ay nakahakot ng 147,661votes o 70.88% para sa ikalawang termino nito bilang Alkalde ng lungsod.

Habang nasa 30,661 votes o 14.71% ang nakuhang boto ng kalaban nito na si Richard Advencula.

Sa Vice Mayor naman panalo din ang kapartido ni Rubiano na si Boyet Ding del Rosario kung saan nakakuha ng 130.138 votes. o 69.34%

Habang ang kalaban nito na si Tina bernabe Carbajal ay nakakuha naman ng 38.479 votes o 20.50%.

Nakapagtala ng 80.05 percent na voters’ turnout ang Pasay City dahil sa 276,579 na rehistradong botante  kung saan nasa 221,411 ang aktwal na bumoto. (Danny Ecito)