May 17, 2024

LALAKING NANGHATAW NG BASEBALL BAT SA ISANG MATANDA, NAG-SORRY NA!

Nagdesisyon na makipag-ayos ang matanda na matatandaang nag-viral sa social media matapos itong makitang pinaghahampas ng nakaalitan nitong driver dahil sa away trapiko nitong Linggo.

Matatandaan na umabot ng milyon-milyong views sa social media ang insidente na nangyari Bignay, Las Piñas nitong Abril 24.

Ngunit agad na natapos ang isyu matapos mabalitaan na nagka-ayos na ang magkabilang panig.

Ayon sa ulat ng vlogger na si Kuya Ching ay makikita na nagyayakapan pa ang suspek at ang biktima.

“Pasyensya na po itay,” sabi ng suspek.

Makikita na tila naluluha pa ang biktima matapos ang kanilang pakikipagtawaran.

“Tao lang tayo,” sabi naman ng biktima sa media.