KULONG ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang mahigit P29,000 halaga ng droga nang tangkain silang takasan makaraang masita dahil sa pagtapon ng basura sa bawal na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa pulisya, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Congressional Police Sub-Station 9 sa kahabaan ng Bagumbong Road, Brgy., 171 na may kaugnayan sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) nang maispatan nila ang isang lalaki na nagtapon ng basura sa ipinagbabawal na lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod na No. 0753 (Anti-Littering).
Nang kanilang lapitan para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay kumaripas ng takbo ang lalaki kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto dakong alas-11:51 ng gabi.
Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek na si alyas “Balong” ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 4.4 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P29,920.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA