Close up male hand showing gesture try to kill someone with gun, Gunman with dark background
MALUBHANG nasugatan ang 55-anyos na lalaki matapos barilin ng isang kelot sa Navotas City.
Nakaratay habang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang balikat at sugat sa kanang mata ang biktimang si alyas “Roger”.
Sa ulat ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, naganap ang pamamaril sa biktima ng 29-anyos na suspek na si alyas “Boy” sa Brgy., Tanza sa hindi pa malaman na dahilan.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima ng isang nagmalasakit na saksi sa Ospital ng Malabon at kalaunan ay inilipat sa TMC.
Sa isinagawa namang follow-up operation ng pinagsamang mga tauhan ng Police Sub-Station 1, Intelligence at Investigation Section, kaagad namang naaresto ang suspek sa Habitat St., Brgy. Tanza 2.
Ayon kay Col. Pinuela, sinampahan ang suspek kasong Frustrated Murder sa Navotas City Prosecutor’s Office.
