May 4, 2024

LALAKI PINUTOL ANG ARI DAHIL SA BULONG

Pinutol ng isang lalaki sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur ang kanyang sariling ari matapos makarinig umano ng bulong mula sa isang babae.

Sa ulat ng Bombo Radyo Vigan, Sinabi ng lalaking itinago na lamang sa pangalang Boy na pinutol niya ang kanyang ari at hinati sa dalawa matapos itong ibulong ng boses ng isang babae.

Nagpapalit umano ng damit si Boy nang marinig ang boses ng isang babae na nagsasabing hatiin niya ang kanyang pagkalalaki.

Dahil dito, kumuha umano ng blade si Boy at hinati sa dalawa ang kanyang ari. Pati umano ang kanyang bayag ay hiniwa ni Boy gamit ang blade.

Isinugod naman ito sa ospital para agad magamot. Sa ngayon, nananawagan ang mga opisyal ng barangay sa mga taong may mabuting kalooban na kung maaaring matulungan si Boy.