May 18, 2024

LALAKI NAAKSIDENTE SA MOTORSIKLO, ULO NATUSOK NG BAKAL

Kuha mula sa Passi BFP

PASSI, Iloilo – Patay ang isang lalaki matapos aksidenteng matusok ng bakal sa ulo sa Brgy. Man-it in sa nasabing siyudad nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Edwardo Rodriguez, 56, residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Passi City PNP, pauwi na ang biktima lulan ng kanyang motorsiklo nang mabangga niya ang isang early warning device sa may ginagawang kalsada.

Natumba siya sa ginagawang kalsada dahilan para tumusok ang bakal sa kanyang ulo.

Agad rumesponde ang Passi BFP rescue team at pinutol ang bakal na tumusok sa ulo ng biktima.

Dinala sa malapit na ospital ang biktima pero idineklara siyang dead-on-arrival.