May 28, 2024

LA TENORIO SA PAGKATALO NG GINEBRA SA GAME 3; ‘ SORI, AKO ANG MAY MALI RITO’

Sinisi ni LA Tenorio ang kanyang sarili sa pagkatalo ng Brgy. Ginebra Gin Kings. Nasilat ng NLEX Road Warriors ang Ginebra, 86-85 sa Game 3 ng PBA Governor’s Cup semifinals.


Dahil sa pagkatalo at selyado na sanang sweep sa NLEX, nagduda ang mga netizens. Anila, baka raw ibinenta ni Tenorio ang laro. Pero, ayon naman sa ilang fans, sadyang ganun. Na J.R Smith peg lang daw si L.A.


Nagtala ng turnover ang 37-anyos na si “El General’. Nagkamali ito ng pasa na nakuha ng import ng kalaban. Ikalawa, ang tira nito na 2 points, na dapat sana’y threes ang ginawa. Ayon kay coach Tim Cone, akala ng bata niya ay 2 lang ang lamang ng NLEX.


Na-disorient ako sa turnover ko kaya di ko na nakita yung scoreboard,” pag-amin nito.


Nawala sa isip ko ang wala kaming timeouts.It was very unusual for me to do that most especially in that kind of situation,” aniya.


Humingi ng sori si L.A sa kanyang mga kakampi nang nasa-dig-out na sila after ng laro.