April 28, 2024

LA Lakers, pinapak ng Denver Nuggets sa Game 3 ng Western Conference finals, 114-106

Nakabawi ang Denver Nuggets sa Western Conference finals. Pinapak nito ang Los Angeles Lakers, 114-106 sa Game 3.

Kaya naman, naitala ng Nuggets ang 2-1 sa best-of-7-series kontra Lakers.

Nanguna sa impressive victory ng Nuggets si Jamal Murray. Nagtala ang Canadian native ng 28 points, 8 boards at 12 assists.

Nag-ambag naman ng play-off high si Jeremy Grant ng 26 points, 3 boards at 2 steals.Nagdagdag naman si Nikola Jokic ng 22 points, 10 boards at 5 assists.

Malaking bagay ang 20 point lead ng Nuggets sa third quarter.Naibaba ng Lakers ang lamang mula sa 99-87, patungo sa 102-98.

Ngunit, nagtala ng Nuggets ng 11-0 run.Dahil dito, lumamang ng 12 points sa huling minute ng laro.

Sa panig naman ng Lakers, nagtala ng triple-double performance si LeBron James. Nagposte si James ng 30 points, 10 boards at 11 assists.

Umasiste naman si Anthony Davis ng 27 points, 2 boards at 1 assists.

Ang Game 4 ay idaraos sa Huwebes (US/ET) sa ganap na alas 9:00 ng gabi ( araw ng Biyernes PH time).