April 27, 2024

LA Clippers guard Lou Williams, iimbestigahan ng NBA dahil sa pagtungo sa strip club

Iimbestigahan ng NBA si Los Angeles Clippers guard Lou Williams dahil sa paglabag nito sa NBA Bubble protocol. Kung matatandaan, nagpaalam ang reiging ‘Sixth Man of the Year’ na hindi muna makasalang agad sa NBA restart.

Ang rason niya, dadalo siya sa funeral ng kanyang lolo. Anupa’t pinayagan siya na hindi muna makakasama sa Clippers. Katunayan, nagtweet pa si Williams kaugnay dito sa kanyang social media account.

Ngunit, nagulat ang liga nang kumalat ang litrato kung saan nakita si Williams sa isang strip club. Kaya naman, magsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ditto ang liga.

Nadiin si Williams na pumunta sa strip club nang i-post ni Rapper Jack Harlow ang litrato nila sa socal media. Gayunman, agad na bumuwelta si Harlow na matagal na aniya ang larawan. Dahil marami ang naintriga sa kanyang post sa Instagram, binura niya ang larawan kasama si Williams.

Nang mabura ang larawan, inamin ni Williams na nagtutungo siya sa Atlanta Gentlemen’s Club. Ayon sa NBA, high-risk behavior ang inasal ni Williams sa labas ng Bubble. Kung mapapatunayan, isasailalim siya sa quarantine.

Ayon sa protocol ng NBA, ang isang player na lalabas sa bubble ay sasailalim sa 4-day quarantine.