May 5, 2024

KYRIE IRVING, PWEDE SA PRACTICE, BAWAL NGA LANG MAGLARO

Papayagan si Kyrie Irving na makasama sa practice ng Brooklyn Nets ayon sa ulat. Gayunman, hindi siya pahihintulutan na makalaro sa home games.


Ito ay dahil sa may mandato ang New York kaugnay sa COVID-19 vaccine. Na bawal maglaro sa home games ang player na di pa bakunado.


Hanggang ngayon kasi ay di pa nagpapa-vaccine ang Nets star. Ito ay dahil sa personal na kadahilanan. Kaya, napapagod na rin ang mga kakampi niya na hikayatin siyang magpakabuna.