Nais muli ng Miami Heat na makarating sa NBA Finals. Para mangyari uli ito, ikinakasa ng team ang ilang trade talks ayon kay Tom Haberstroh ng TrueHoop.
Aniya, nais ng heat na magdagdag ng isang veteran guard. Ilan sa lumutang na pangalan ay sina John Wall at kylie Lowry.Nasa radar ng team ang dalawang ito na target nilang lambatin. Sa gayun ay makatulong kay Jimmy Butler at Bam Adebayo.
Mayroon pang 8 laro ang Miami hanggang March 25 trade deadline. Kaya, nais umano ni Heat president Pat Riley na mag-adjust sa current roster.
May ulat na nais ng Toronto Raptors na ipamigay na rin si Lowry isang proven two-way guard. Nasa final year ng kanyang kontrata si Lowry. Ito aniya ang hinihintay na pagkakataon ng Miami.
Sa ngayon, nasa sixth place ang Heat sa Eastern Conference, may half-game ahead sa Chicago Bulls.
More Stories
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT