January 23, 2025

Kung sa octagon sila magsusuntukan, UFC CHAMP JON JONES, KAKASA KAY MIKE TYSON

Nagpahaging si UFC champion Jon Jones na handa siyang labanan si dating heavyweight boxing champion ‘Iron’ Mike Tyson. Ang sagot dito ng dating boksingero; handa siyang makipag-upakan kay Jones. Sa panig naman ng matikas na MMA fighter, lalabanan niya ang boxing icon kung sa octagon sila magsusuntukan.

Gayunman, hindi nakaligtas sa kritisismo ng 53-anyos na si Tyson kung ano ang siste ng UFC kung ano ang magiging presyo niya kung sakaling maglaban sila ng MMA fighter.

UFC champ Jon Jones has sensationally ignited talk that he could lure heavyweight boxing legend Mike Tyson out of retirement.

“A UFC (fighter) will never be richer than a first class (boxer),” ani Iron Mike  sa isang Instagram live: “

“To make a hundred million dollars, Conor (McGregor) had to fight Floyd (Mayweather)!”

“Even if he fights Jon Jones, he’s not going to get that. gotta fight me to make some super money,” aniya.

Sa hamon ng 32-anyos na si Jones, hindi ito nakaligtas sa pahaging ng retirado nang boxer. Lalo na’t siya na ang naghahamon ditto.

Responding to the invite, Jones said he would stand toe-to-toe with Tyson only if he stepped inside in the octagon with him after.

“I’m listening Mike Tyson,”sagot ni Jones sa kanyang Twitter account.

“I’ll box you in the ring if you promise to give me a real fight in the Octagon afterward. And because I respect you so much, I promise I won’t break anything on you,” aniya.

Si Jones ay mayroong 26 panalo at 1 talo sa kanyang UFC bouts. Na-disqualified naman siya noong 2009 nang banatan ng kanyang siko sa bandang ibaba si Matt Hamil. Mayroon namang 14-0 record si Jones sa kanyang pagdepensa sa kanyang titulo sa UFC.