May 17, 2024

DATING U.S. PRESIDENT OBAMA AT PRINCE CHARLES, MAA-AKSIDENTE?

Battersea, England– Isang fearless forecast ang inihayag ng isang psyhic dito kaugnay sa mga nakahilirang predictions ng taong 2021. Ang tubong Battersea elder prophet at manghuhula na tinaguriang “Silent Nimrod” (Rupert John McMillan) 63-anyos ay nagpahayag ng kanyang mga propesihiya na napasama sa “The 2020-2021 Prophecy” tungkol sa pulitika at mga pamosong tao sa daigdig.

At dahil sa kalagitnaan na tayo taong 2020, nariyang nanghuhula ang ilan sa mga astrologist sa taon ng daga, kung ano ang magiging kapalaran nina dating U.S President Barack Obama at ng member ng Royal family sa Inglatera na si Princes Charles.

Sa ipinahayag niyang hula sa blog ni William Henry, nakasaad doon na maaaksidente ang U.S president sa Second Quarter ng naturang taon. Pinag-iingat si Obama na huwag basta-basta magbibiyahe dahil sa bantang plane crash.

He (Silent Nimrod) told us that Pres. Barack Obama avoid trips that deals about the interest and the USA conflict between nations. Obama will threat to avoid riding on airplane due to omen of plane crash,” pahayag ni Henry sa kanyang website at show na Destiny.

Una nang inihayag umano ng psychic ang tungkol dito noon pang January 2009 at inulit noong Enero 2020 . Aniya, ang cycle ng plane crash sa mga naging lider ng mga nasyon ay nataon nga kay Obama.

Hinulaan din niya ito rin ang maaaring mangyari sa lider ng Iran.

 Inihayag din niya na isa sa Royal Family member na si Prince Charles ay maaksidente naman car crash o sa plane crash din mismo.

Si Prince Charles ay walang dudang maaksidente dahil sa siya’y nakainom na nagmamaneho. Madudurog ang kanyang magarang sasakyan. Nasa peligro ang kanyang buhay kung kaya’t mauulit lamang din ang siklo nang nangyari sa dating asawa na si Princess Diana na nasawi noong taong 1997. Ngayon, sisnisingil na ng tadhana ang prinsipe, at ang malalang maaaring mangyari sa kanya ay baka masawi rin siya,” wika ni Mcmillan.

I won’t take this seriously, It is only a prediction. But this man is truly had a third eye that tells the exact what will happen. He predicts the death of an actor Heath Ledger, Hudson River plane crash. He is good in telling about accidents regarding plane crash,” pahayag naman ni William.

Bukod sa plane crash. Matindi ang sinabi niyang baka ma-assassinate ang naturang prinsipe. Gayun din, inihayag din ng Battersea prophet na maaksidente rin ang anak nitong si Prince Harry na malalaglag umano sa kabayo.

“Anyone of his Royal sons was prone to accident. Either both Prince William or Harry can’t escape those predicaments,” aniya.

Mahilig sa horseback riding ang bunso, samantalang si Prince William ay desididong maging plane pilot. Kaugnay sa propesiya, walang sinabi si McMillan kung mamamatay ang dalawa.