Ang Bayanihan spirit ng mga Pilipino ay nakaukit na sa puso at bitbit kahit saang lugar sa mundo sila makarating. Iyan ay maraming beses nang napatunayan at umani ng paghanga mula sa ibang lahi.
Lalo na sa panahon ng pangangailangan bunga ng anumang krisis na mararanasan ay ang magkababayang Pilipino ang nagtutulungan at nagdadamayan lalo pa’t sila ay nasa ibang bayan.
Sa malayong lupain sa Gitnang Silangan na naging lunduyan ng libu-libong Pilipino na nagtatrabaho doon ay mayroong mga pinalad at may mga nabigo rin sa kanilang kapalaran. Pero ang mga naging mapalad na Pinoy ay di naman sinasarili ang biyayang tinatamasa kaya sa kanilang kakayahan ay tumutulong sila sa mga less fortunate na napadpad doon sa disyerto ng mga Arabo.
Ang GRAB We Care United ay binuo ng mga samahan ng mga illustado at may mabubuting kaloobang Pilipino para sa kapwa na pawang mga pinagpala sa kanilang pangingibang-bayan.
Ayon sa dating national athlete / GWCU member Robin Gen Bernardo Padiz- event organizer ng ng ligang basketball para sa Filcoms sa Riyadh, layunin ng GRAB We Care United ang maayudahan ang ating mga kababayang Pilipino na lubhang naging apektado ng pandemya hanggang sa kasalukuyan.
“It’s an organization for a cause to help our kababayans here in Saudi Arabia and I’m very proud to be part of this group,” sambit ni Padiz-dating national men’s gymnastics team member at naging coach na naka-base na ngayon sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.
Ang GRAB We Care United ay kinabibilangan ng mga bagong halal na opisyales na sina Zaldy Raballo- President, Honeylore Pacio- VP Internal Affairs, Mensen Lopez- VP External Affairs, Michelle Cabacungan at Aileen Azotillo-Secretaries, Chersee Agudon -Treasurer,Marciana Daradal-Auditor, Leonardo Rodovan at Ariel Alapar -PRO, Gilbert Alarcon- Adviser, Albert Pano at Melvin Torres – Social Media,Junnard Rusauro at Padiz na miyembro ng pinagpipitagang samahan.
Unang naging opisyal na ayuda ng GRAB We Care United ay ang ‘Dinner for a Cause na idinaos kamakailan sa Bahay Kainan sa Riyadh.Ang proceeds nito ay iaayuda sa mga apektado pa ring OFW’s partikular sa mga babeng nagtataguyod ng kanilang panilya sa Pilipinas.
oOo
KSPVP PAPANSIN NA NAMAN
Hinahanap- hanap ng FVP na KSP ang limelight sa biased media ,maging epal, masama man o komedya dahil ilang araw na rin siyang di napag- uusapan pa. Lately ay nagpahayag ito na siya ang makikipag- peace talk sa mga kalaban ng gobyernong PULAHAN.
Maka-epal lang ang bopol ay di niya alam na walang anumang otoridad at wala sa chain of command ang FVP sa ganitong usapin dahil di naman siya ang Commander -in – Chief kundi ang Presidente ng bansa.
Tapos ay nagpahayag uli ito na nire-RedTag daw siya.Sino? Marahil ay papansin na si epal na sa totoo lang ay sa Kapartido niya dahil nilalaglag na siya bilang party official bearer para sa 2022 dahil alam nila wala silang pag-asang manalo pag siya ang inendorso. ABANGAN!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!