May 16, 2024

Carla Abellana, may pa-feeding program sa mga stray cats and dogs

Marami ang natutuwa sa ginagawang adbokasiya ng aktres na si Carla Abellana at JC Cruz. Ang dalawa kasi ay kapwa animal lovers.

Katunayan, tinutulungan pala nina Carla ang mga stray animals. Kaya naman, maraming hayop ang mapapakain sa gagawing feeding program.

Yearly pala ito ginagawa nina Carla. Binansagan nila itong ‘Christmas Stray Feeding.’ Suportado naman ng nobyo niyang si Tom Rodriguez ang advocacy niya.

“Christmas is fast approaching nd it’s time to make sone strays feel this season too,’ post ni Carla. Just like last year, my friend @iamjczurc will be doing the Christmas Stray Feeding twice this month, December 21 & 28.’

Let’s all share our blessings by giving them one of the best gifts a stray dog or cat can get, a CLEAN & DECENT MEAL.’

We are hoping that you can help him make this possible for them,’ dagdag niya.

Actually, proyekto ni JC ang nasabing program. Tumutulong naman si Carla na mangalap ng donasyon.

Kabilang na ang dog food, rice, chicken liver, ground pork, hotdog, veggies, paper plates/bowls.Samantala, ipalalabas muli ang series ni Carla sa December 28. Ito ay ang ‘Love of my Life’.