September 16, 2024

KORINA SANCHEZ, SA KAPATID TV5 ANG CHOICE?

PATULOY pa rin napapanood si Ms. Korina Sanchez-Roxas, sa kanyang programang ‘Rated K’ sa ABS-CBN, sa Facebook. Pero binago nila ang title nito at ginawa nila itong ‘Rated Korina Digital.’

Tahimik ang kampo ni Ms. Korina, sa isyu ng lipatan. Pilit nila itong inililihim dahil may kaba sila na baka hindi ito matuloy. Pero ganun pa man, pinaghahandaan na nila itong maigi.

Sa kampo naman ng TV5, walang balita na sa kanila lilipat si Ms. Korina Sanchez, kinumpirma nila ito na walang lipatang magaganap dahil hindi pa naman sila nakakapag-meeting.

Ano kaya ang totoo? May lipatan bang magaganap o Wala? baka naman meron o baka gusto lang talaga nilang ilihim muna. Para kung hindi man ito matuloy, ay hindi gaanong masasaktan ang bawat partido.