May 14, 2024

KOMENTARISTA NA SI ‘BIGWAS’ KALABOSO SA CYBERCRIME

Arestado ang  broadcaster ng Palawan na kinilalang si Rosalio Martinez Abile alyas ‘Bigwas’ kahapon dahil na rin sa paglabag sa Republic Act 10175 o ang “Cybercrime Prevention Act of 2012”.

Ayon kay PCAPT.  PAULINO TUGADE JR. ng CIDG Palawan , dinakip ng mga awtoridad si Tommy matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest sa kanyang himpilan ng radio.

Ang naturang broadcaster ay ng nakuhanan na ng mugshot, at kasalukuyang naka-detain sa himpilan ng pulisya.

Sampung libong piso ang inirekomenda na piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ni Abile.