Ipinahayag ng Malakanyang na suspendido ang klase at trabaho sa gobyerno sa buong Metro Manila at ilang probinsya sa Luzon ngayong Miyerkules, Hulyo 23, 2025, dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan at masamang panahon.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, inilabas ang Memorandum Circular No. 90 base sa rekomendasyon ng NDRRMC.
KABILANG SA MGA WALANG PASOK:
- Metro Manila (NCR)
- Pangasinan
- Zambales
- Tarlac
- Bataan
- Pampanga
- Bulacan
- Cavite
- Batangas
- Rizal
- Occidental Mindoro
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Quezon
- Oriental Mindoro
- Marinduque
- Romblon
- Masbate
- Sorsogon
- Albay
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Palawan
- Antique
- Aklan
- Capiz
- Iloilo
- Guimaras
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Nueva Vizcaya
- Nueva Ecija
- Laguna
- Negros Occidental
Bagamat may suspensyon, tuloy pa rin ang trabaho ng mga ahensiyang may kinalaman sa health services; emergency response; rescue at relief operations; at vital government functions.
Ayon sa Malakanyang, ang mga private offices at kumpanya ay may kalayaang magdesisyon kung magsususpinde rin sila ng trabaho.
“Huwag maging kampante. Mag-ingat at manatiling alerto lalo na sa mga lugar na binabaha at may banta ng landslide!” paalala ng Palasyo.
