May 11, 2024

KEVIN DURANT, KASAMA SA ALL-TIME NBA TEAM SINA OLAJUWON AT MCGRADY

Malaki ang respeto ni Kevin Durant ng Brooklyn Nets sa Houston Rockets team.Katunayan, kasama ang 2 players nito sa kanyang all-time NBA team.

Pinangalanan ni Durant sina Hakeem Olajuwon at Tracy McGrady sa kanyang all-time team. Kasama na rin dito ang 12 players.

Ito pahayag niya sa kanyang recent appearance sa Million Dollaz Worth of Game podcast.

Ang iba pang players ay sina LeBron James, Michael Jordan, Kobe Bryant at Steph Curry. Kasama rin sina Magic Johnson, Dirk Nowitzki, Shaquille O’ Neal, Anthony Davis at Kevin Garnett.

Ang ikinasa niya namang first five ang kanyang sarili. Kasama si Olajuwon, LeBron, Jordan at Bryant.

Malai ang respeto niya kay Olajuwon na markadong Rockets player. Aniya, hinahangaan na niya ito sapol noong nag-aaral siya sa University of Texas.

Doon din siya naglaro ng basketball noong college siya.

Mahigit 10 dekada nang ngalalaro si Kevin sa NBA mula sa tatlong teams. Kabiang na rito ang Oklahoma City, Golden State at Brooklyn.

Naging 2-time NBA champion sa Warriors noong 2017 at 2018.