May 18, 2024

Kaya raw nag flop… MOVIE NI BEA ALONZO PANG DEPED ANG DATING

MAGANDA ang movie ni Miss. Bea Alonzo, ayon iyan sa mga nakapanood ng ‘1521 The Battle of Mactan.’ Marami nga silang nalaman na insights sa kasaysayan ng pagdating ni Magellan sa Pilipinas. Kung acting naman ang pag-uusapan, ang husay ni Bea sa pelikula.

“Nasirang tuluyan ang movie dahil naintriga ito nang husto, kaya kahit maganda ang pagkakagawa ay hindi ito kumita.

“Pang DepEd movie kasi ang 1521, matino at pang estudyante. Kaya hindi ito tinanggap ng mga manonood. Sayang, pero ganuon talaga hindi naman pwedeng diktahan ang gusto ng mga movie gowers,” pagwawakas pa ng aking source.